Lakbay Sanaysay
Ang Paglalakbay Patungo sa Lugar ng Pag - ibig
Paris isang bansa sa kontinente ng Europe na nangangailangan ng 5 - 10 oras na paglalakbay sa himpapawid mula sa Pilipinas. Patok ang Paris sa mga magkakasintahan dahil sa romantikong tanawin na makikita makikita dito. May mga tanong sa aking isipan patungkol sa bansang ito kaya nagpasya akong maglakbay dito.
Batid ko na ang Paris ay may malamig na klima kaya naman nagdala ako ng jacket bilang proteksyon at bumili ng ng makakapal na damit bago lumipad patungo doon. Ilang lang oras lang ay natanaw ko na ang tanyag sa Paris ang pinagmamalaki nilang Eiffel Tower mula sa itaas at masasabi akong napakaganda nito lalo na kung papalubog ang araw sapagkat nadadagan ang pagkaromantiko ng tanawin.
Dito rin ay natagpuan ko ang mga naggagandahang uri ng mga rosas na syang pangunahing binibili ng mga kalalakihan residente man o turista upang ibigay sa kinaling kabiak o kasintahan. Ang mga rosas ay sadyang kakaiba kumpara sa mga rosas na nakita ko sa aking bansa marahil ay mas angkop ang klima ng Paris sa pagpapausbong ng mga rosas kaya naman maganda ang bawat bulaklak na namumulaklak sa kanilang taniman. Bumili ako ng pulang rosas upang ibigay sa aking ina pag - uwi, nung una ay nag - aalangan ako dahil baka malanta ito sa byahe ngunit sinabi sakin ng tindera na kaya nitong tumagal nang 12 oras kahit kakaunti ang tubig sapat na iyon upang maibigay ko sa aking ina bago malanta.
Mayroon din silang alak na mula sa katas ng prutas na tunay nga namang masarap. Alak na hindi nakakahilo dahil sa kawalan ng alkohol ay ang pangunahing inumin sa mga resturant na makikita dito. Ito ay nagpapakita ng pagkaelegante ng isang tao at kung minsan ay lalong nagpaparomantiko ng isang kainan lalo na nang magkasintahan. Bumili ako ng isang bote nito hindi para inumin o ipagyabang kundi bilang regalo sa aking sarili sa pagbisita ko sa dito.
Ang bansang Paris ay isa sa mga nangungunang bansa sa mata ng mga turista o magkasintahan isa itong bansa maari nating puntahan kung kailan natin gustuhin na kayang tanggalin ang pagod ng ating katawan at isipan dulot ng trabaho sa pamamagitan ng ganda ng tanawin at ng kalmadong paligid. Iminumungkahi ko sa mga nagbabalak na pumunta sa bansang Paris na magdala ng angkop na kasuotan at camera dahil siguradong mabubusog ang inyong mata sa makikitang tanawin at mga bagay na talaga namang kakaiba at napakaganda.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento